• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar
  • Skip to footer
  • Tagalog
    • العربية (Arabic)
    • 简体中文 (Chinese)
    • English (English)
    • 한국어 (Korean)
    • Español (Spanish)
    • Tiếng Việt (Vietnamese)
Virginia Department of Emergency Management

Virginia Department of Emergency Management

An Agency of the Commonwealth of Virginia

  • Prepare
    • Disasters & Emergencies
      • Active Shooter
      • Kemikal
      • KAHANDAAN SA LINDOL
      • Matinding Init
      • Sunog
      • Floods
      • HazMat
      • Mga Banta sa Kalusugan
      • PAGHAHANDA SA HURRICANE
      • Kidlat + Mga Bagyo
      • Pagkawala ng Kuryente
      • Terorismo
      • PAGHAHANDA SA BUHAWI
      • Mga Tsunami
  • Tagalog
    • العربية (Arabic)
    • 简体中文 (Chinese)
    • English (English)
    • 한국어 (Korean)
    • Español (Spanish)
    • Tiếng Việt (Vietnamese)

Active Shooter

You are here: Home / Active Shooter

Inilalarawan sa pahinang ito kung ano ang gagawin mo kung ikaw ay nasa active shooting na kaganapan, paano kilalanin ang potensyal na karahasan sa paligid mo, at ano ang aasahan pagkatapos ng active shooting. Tandaan na sa panahon ng isang active shooting na TUMAKBO. MAGTAGO. LUMABAN.

Alamin

  • Mag-sign up para sa isang active shooter na pagsasanay.
  • Kung may nakita ka, sabihin ito sa kaagad sa isang awtoridad.
  • Mag-sign up para makatanggap ng mga alerto sa lokal na emerhensiya at irehistro ang iyong personal na impormasyon para sa pagkontak sa alinmang sistema ng alerto na inisponsor ng trabaho.
  • Maging alisto sa iyong paligid at sa anumang posibleng panganib.

Gumawa ng Plano

  • Gumawa ng plano kasama ng iyong pamilya, at tiyakin na alam ng lahat kung ano ang gagawin nila kung nakaharap ang isang active shooter.
  • Hanapin ang pinakamalapit na labasan saan ka man pumunta, at mag-isip ng daan para sa pagtakas at tukuyin ang mga lugar na mapagtatagoan mo.
  • Unawain ang mga plano para sa mga indibidwal na may kapansanan o ibang pangagailangan sa pag-access o pagkilos.

Sa panahon

TUMAKBO at magtago, kung posible.

  • Unang prayoridad ang pagtakas mula sa shooter o mga shooter.
  • Iwanan ang mga gamit mo at tumakas.
  • Tulungan ang iba na tumakas, kung posible, ngunit lumikas kahit hindi sumunod ang iba.
  • Balaan at pigilan ang mga indibidwal na huwag pumasok sa lugar kung saan maaaring naroroon ang active shooter.
  • Tumawag sa 911 kapag ligtas ka na, at ilarawan ang shooter, lokasyon, at mga armas.

MAGTAGO, kung hindi posibleng tumakas.

  • Iwasang makita ng shooter at manatiling napakatahimik.
  • Patahimikin ang lahat ng elektronikong device at tiyaking hindi ito nagba-vibrate.
  • I-lock at harangan ang mga pinto, isara ang mga blind, at patayin ang mga ilaw.
  • Huwag magtago bilang grupo- isa-isang magkubli sa mga pader o magtago nang hiwalay para gawing mas mahirap para sa shooter.
  • Subukang tumawag sa pulisya nang tahimik. Gumamit ng text message o social media upang i-tag ang iyong lokasyon, o maglagay ng senyales sa bintana.
  • Huwag umalis hanggang walang hudyat mula sa tagapagpatupad ng batas na tapos na ang lahat.
  • Ang lugar na pinagtatagoan mo ay dapat hindi nakikita ng shooter at may proteksiyon kung ang pagbaril ay papunta sa iyong direksiyon.

LUMABAN bilang pinakahuling paraan.

  • Siguruhin ang iyong gagawin at kumilos nang mabilis hangga’t maaari laban sa shooter.
  • Himukin ang iba na tambangan ang shooter gamit ang mga gawa-gawang armas tulad ng mga upuan, fire extinguishers, gunting, libro, atbp.
  • Maghanda na patamaan ang shooter nang malubha o nakamamatay.
  • Magtapon ng mga bagay o sariling-gawang armas upang lituhin at dis-armahan ang shooter.

Pagkatapos

  • Ipakita lagi ang mga kamay at walang hawak.
  • Alamin na ang unang trabaho ng tagapagpatupad ng batas ay tapusin ang insidente, at maaaring masugatan sila sa pagsagawa nito.
  • Ang maaaring armas ng mga opisyal ay mga rifle, shotgun, at/o handgun at maaari silang gumamit ng pepper spray o tear gas upang kontrolin ang sitwasyon.
  • Isisigaw ng mga opisyal ang utos at maaaring padapain ang mga indibidwal para sa kanilang kaligtasan.
  • Sundin ang mga instruksiyon ng tagapagpatupad ng batas at lumikas sa direksiyon kung saan sila galing, maliban kung may ibang sinabi.
  • Unang pangalagaan ang iyong sarili, at pagkatapos maaari kang tumulong sa mga sugatan bago dumating ang mga unang sumasaklolo.
  • Kung ang mga sugatan ay lubhang nanganganib, tulungan sila papunta sa ligtas na lugar.
  • Habang hinihintay mong dumating ang mga unang sumasaklolo, magbigay ng unang lunas. Lagyan ng direktang presyur ang mga bahaging nasugatan at gumamit ng tourniquets kung may pagsasanay ka rito.
  • Patagilirin ang mga taong sugatan kung sila ay walang malay at panatilihin silang naiinitan.
  • Isaalang-alang na kumuha ng propesyunal na tulong para sa iyo sa iyong pamilya upang makayanan ang mahabang epekto ng trauma.

Primary Sidebar

Ongoing Activation

The VEOC is currently activated in response to the COVID-19 Pandemic.

View Activation Details
  • العربية (Arabic)
  • 简体中文 (Chinese)
  • English (English)
  • 한국어 (Korean)
  • Español (Spanish)
  • Tiếng Việt (Vietnamese)
  • Tagalog

Footer

Contact VDEM regarding a Freedom of Information Act Request: FOIA Information
  • Facebook
  • Google+
  • Instagram
  • Twitter
  • YouTube

Copyright © 2021 Virginia Department of Emergency Management. Some items in the public domain. Return to top