• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to footer
  • Tagalog
    • العربية (Arabic)
    • 简体中文 (Chinese)
    • English (English)
    • 한국어 (Korean)
    • Español (Spanish)
    • Tiếng Việt (Vietnamese)
Virginia Department of Emergency Management

Virginia Department of Emergency Management

An Agency of the Commonwealth of Virginia

  • Prepare
    • Disasters & Emergencies
      • Active Shooter
      • Kemikal
      • KAHANDAAN SA LINDOL
      • Matinding Init
      • Sunog
      • Floods
      • HazMat
      • Mga Banta sa Kalusugan
      • PAGHAHANDA SA HURRICANE
      • Kidlat + Mga Bagyo
      • Pagkawala ng Kuryente
      • Terorismo
      • PAGHAHANDA SA BUHAWI
      • Mga Tsunami
  • Tagalog
    • العربية (Arabic)
    • 简体中文 (Chinese)
    • English (English)
    • 한국어 (Korean)
    • Español (Spanish)
    • Tiếng Việt (Vietnamese)

Hanapin ang inyong Lugar

You are here: Home / Hanapin ang inyong Lugar

Gamitin ang aming interaktibong mapa na maaaring gamitin sa mobile para hanapin ang inyong lugar na lilikasan.

Ang “Alamin Ang Zone Mo” ay naglilingkod sa halos 1.25 milyong residente na nakatira sa Baybayin ng Virginia, ang rehiyon ng estado na pinakamahina sa mga buhawi at iba pang mga tropikal na bagyo. Dalawampu’t tatlong lokalidad ang lumahok sa pinaghiwa-hiwalay na mga lugar na lilikasan. Ang mga zone ay binuo sa malapit na pakikipagtulungan ng lokal na mga tagapangasiwa ng emergency hanggang sa Hampton Roads, Northern Neck, sa Middle Peninsula, Eastern Shore sa pinaka napapanahong engineering data para sa rehiyon. Ang mga lugar ay itinalaga mula A hanggang D. Ang zone ay nagbibigay sa mga residente ng linaw kung dapat silang lumikas sa isang emergency o magkubli sa tahanan, batay sa kanilang pisikal na adres ng kalye at ang katangian ng pangyayaring emergency.

Kapag ang malakas na bagyo ay inaasahang nagbabanta o makakaapekto sa mga baybaying rehiyon ng Virginia, ang estado o lokal na mga pang-emergency na ahensiya ay makikipagtulungan sa mga lokal na media outlet ng balita, gayundin sa mga social media channel, na pagkatapos ay ibabalita at ilalathala ang mga direktiba ng paglikas sa publiko.

Ang website na ito ay nagpapakita ng detalyado, interaktibo, color-coded na mapa na nagpapakita ng bawat lugar na lilikasan. Ang mga residente ay maaaring gumamit ng mapa para tingnan ang kanilang rehiyon o i-zoom sa kanilang purok residensyal at kalsada. Ang mga user ay maaaring maglagay ng kanilang pisikal na adres sa search bar para tingnan at kumpirmahin ang kanilang itinalagang lugar na lilikasan.

Bilang kahalili, maaari mong i-download ang opisyal na gabay sa PDF o text format:

Ano ang mga Zone?

Mga itinalagang lugar ng lilikasan o evacuation zone mula A hanggang D na inilagay sa buong baybayin ng Virginia. Sa kaganapan ng bagyo o ibang emergency, ang mga residente ng isa o higit pang zone ay maaaring payuhan na lumikas depende sa mga alon, tindi ng bagyo, daan, at ibang mga salik.

Paano ginagamit ang mga Zone?

Ang kailangan mo lang gawin ay Alamin ang Iyong Zone.

Kapag paparating ang bagyo, tutukuyin ng mga tagapangasiwa ng emergency kung alin sa mga zone ang pinakamapanganib na isinasaalang-alang ang tindi, daan, bilis, alon at iba pang mga meteoroligical na salik. Ang mga tagapangasiwa ng emergency sa estado at lokal na antas ay makikipagtulungan sa lokal na media at ibang tools para abisuhan ang mga residente ng apektadong mga zone kung ano ang dapat nilang gawin para manatiling ligtas.

Depende sa emergency, ang pagiging ligtas ay maaaring mangahulugan na manatili sa loob ng tahanan, maikling pagbiyahe sa mas mataas na lupa o pagbiyahe sa iba’t ibang rehiyon ng estado.

Anong bahagi ng Virginia ang sakop ng iba’t ibang evacuation zone?

Ang mga zone ay maglilingkod sa Hampton Roads, Middle Peninsula, Eastern Shore at Northern Neck.

Dalawampu’t tatlong lokalidad ang nakikibahagi sa programa. Kabilang sa mga iyon ang lungsod ng Chesapeake, Hampton, Newport News, Norfolk, Poquoson, Portsmouth, Suffolk, at Virginia Beach; mga county ng Accomack, Essex, Gloucester, Isle of Wight, James City, Lancaster, Mathews, Middlesex, Northampton, Northumberland, Richmond County, Surry, Westmoreland, York, at ang bayan ng Chincoteague.

Paano pinahuhusay ng mga zone ang kasalukuyang mga plano ng paglikas?

Ang mga magkakahiwalay na lugar na lilikasan ay tumutukoy sa mga lugar na delikado sa pagbaha na may katumpakan na hindi available hanggang 2017. Ang pinakabagong teknolohiya at data ay nagpapahintulot sa mga tagapangasiwa ng emergency na sabihin sa mga residente ng baybayin ng Virginia ang mas malinaw kung kailangan nila o hindi na lumikas o manatili sa kanilang tahanan sa panahon ng bagyo o ibang emergency.

Pinagsasama-sama ng programa ang daan-daang pasikut-sikot na lokal na lugar na lilikasan patungo sa madaling maunawaang mga zone; na mas pinadadali ang komunikasyon ng mga residente habang paparating ang bagyo.

Ang mga zone ay nakatutulong sa mga mamamayan na iwasan ang hindi kinakailangang pagbiyahe sa paglikas, na nagbabawas sa pagsisiksikan sa lansangan, pagpapagaan ng pagdami ng tao sa mga lokal na kublihan kung may bagyo at pagpapainam ng kaligtasan ng publiko.

Paano kung inilagay ko ang adres at tahanan o negosyo na hindi matatagpuan sa loob ng isa sa mga itinalagang lugar?

Kung ang adres mo ay hindi matatagpuan sa itinalagang lugar, ang magandang balita ay hindi ka inaasahang lumikas dahil sa anumang natukoy na mga senaryo ng bagyo.

Gayunman, hindi nangangahulugan na kailanman ay hindi mo na kailangang sundin ang mga tagubilin mula sa inyong lokal na tagapangasiwa ng emergency para sa malalaking emergency. Dapat mo paring malaman kung paano poprotektahan ang pamilya mo mula sa potensiyal na mga panganib sa Commonwealth at makinig mabuti sa mga usapang pang-emergency sa oras ng anumang masungit na panahon o emergency. Ang mga kundisyon ay maaaring magbago agad at ang mga tagapangasiwa ng emergency ay magbibigay sa iyo ng pinakamahusay na mga tagubilin para manatiling ligtas.

Alamin ang higit tungkol sa paghahanda sa inyong pamilya at negosyo para sa anumang emergency sa vaemergency.gov.

Parang hindi gumagana sa akin ang mapa. Paano ko mahahanap kung saang zone ako matatagpuan?

Ang ilan sa Internet o mobile service ay maaaring nahihirapang mag-load ng interaktibong mapa. Maaari mo pa ring Alamin Ang Zone mo sa pamamagitan ng pagtawag sa 2-1-1 o sa inyong lokal na tagapangasiwa ng emergency.

  • العربية (Arabic)
  • 简体中文 (Chinese)
  • English (English)
  • 한국어 (Korean)
  • Español (Spanish)
  • Tiếng Việt (Vietnamese)
  • Tagalog

Footer

Contact VDEM regarding a Freedom of Information Act Request: FOIA Information
  • Facebook
  • Google+
  • Instagram
  • Twitter
  • YouTube

Copyright © 2021 Virginia Department of Emergency Management. Some items in the public domain. Return to top