Mga Kemikal na Emerhensiya
Ang mga kemikal na sangkap ay ang mga nakakalasong singaw, aerosol, likido at solid na may na nakakalasong epekto sa mga tao, hayop o tanim. Kahit potensiyal na nakamamatay, ang mga kemikal na sangkap ay mahirap ibigay sa nakamamatay na dami dahil mabilis itong maglaho sa labas at mahirap na gawin.
Bago ang isang Kemikal na Emerhensiya
Maaaring dumating ang kemikal na pag-atake nang walang babala. Kasama sa mga tanda na may lumabas na kemikal ang hirap sa paghinga ng mga tao, iritasyon sa mata, pagkawala ng koordinasyon, pagduduwal, o mainit na pakiramdam sa ilong, lalamunan at baga. Ang pagkakaroon ng maraming patay na insekto o ibon ay maaaring indikasyon na may lumabas na kemikal na sangkap.
Ano ang dapat mong gawin bilang paghahanda sa isang kemikal na banta:
- Gumawa ng Kit para sa Pang-emerhensyang suplay at ilakip ang:
- Duct tape
- Gunting
- Plastik para pantakip ng mga pintoan, bintana at pasingawan
- Gumawa ng Plano para sa Emerhensiya ng Pamilya
Sa Pahanon ng Kemikal na Emerhensiya
Ano ang dapat mong gawin sa isang kemikal na pag-atake:
- Mabilis na tukuyin ang apektadong lugar o kung saan nanggagaling ang kemikal, kung posible.
- Kumilos kaagad para tumakas.
- Kung ang kemikal ay nasa loob ng gusali kung saan ka naroon, lumabas ng gusali nang hindi dumadaan sa kontaminadong lugar, kung posible.
- Kung hindi ka makalabas ng gusali o hindi makahanap ng malinis na hangin nang hindi dumadaan sa apektadong lugar, lumayo hangga’t maaari at magtago ng angkop.
Kung sinabihan ka manatili sa iyong bahay o sa opisinang gusali, dapat:
- Isara mo ang mga pinto at bintana at patayin ang lahat ng bentilasyon, kabilang ang mga pugon, air conditioner, pasingawan, at bentilador.
- Sumilong ka sa isang silid sa loob kasama ng iyong mga kit ng suplay para sa sakuna.
- Takpan mo nang mabuti ang silid gamit ang duct tape at plastik na pantapal.
- Makinig ka sa radyo o telebisyon para sa mga instruksiyon mula sa awtoridad.
Kung napasok ka o malapit ka sa kontaminadong lugar sa labas:
- Magpasya nang mabilis kung ano ang pinakamabilis na paraan upang makahanap ng malinis na hangin:
- Lumayo kaagad, sa salungat na direksiyon ng pinanggagalingan ng hangin.
- Hanapin ang pinakamalapit na gusali para sa makapagtago ng angkop.
Pagkatapos ng Kemikal na Emerhensiya
Huwag umalis sa ligtas na lugar para lumabas at tumulong sa iba hanggang hindi sinasabi ng awtoridad na ligtas na itong gawin.
Ang taong naapektuhan ng kemikal na sangkap ay nangangailangan ng agarang medikal na atensiyon mul sa isang propesyonal. Kung walang medikal na tulong na makukuha agad, alisin ang kontaminasyon sa iyong sarili at tumulong na alisin ang kontaminasyon sa iba.
Ang mga panuntunan sa pagtanggal ng kontaminasyon ay ang mga sumusunod:
- Mag-ingat nang husto kapag tumutulong sa iba na nahantad sa mga kemikal na sangkap.
- Tanggalin ang lahat ng damit at ibang bagay na dumikit sa katawan.
- Gupitin ang damit sa normal na paraan at hubarin palabas ng ulo nang hindi dumidikit sa mga mata, ilong at bibig.
- Ilagay ang kontaminadong damit at mga bagay sa plastic bag at takpang mabuti.
- Tanggalin ang mga salamin o contact lense. Ilagay ang salamin sa isang pan na may bleach sa bahay at pagkatapos ay banlawan at patuyuin.
- Hugasan ang mga kamay gamit ang sabon at tubig.
- Buhusan ang mga mata ng tubig.
- Marahang hugasan ang mukha at buhok gamit ang sabon at tubig bago banlawang mabuti ng tubig.
- Dumiretso sa isang medikal na pasilidad para sa pagsusuri at propesyonal na paggamot.
Kaugnay na Nilalaman