Ang Matinding Init ay kadalasang nagreresulta sa pinakamataas na bilang ng taunang pagkamatay mula sa lahat ng panganib na nauugnay sa lagay ng panahon. Sa karamihan sa Estados Unidos, ang matinding init ay binibigyang-kahulugan bilang mahabang yugto (2 hanggang 3 araw) ng mataas na init at pagkaumido sa temperaturang higit sa 90 degrees. Sa matinding init, bumabagal ang ebaporasyon at kailangan ng katawan na magtrabaho nang higit para mapanatili ang normal na temperatura. Maaari itong humantong sa pagkamatay dahil sa sobrang pagtatrabaho ng katawan ng tao. Tandaan na:
- Ang matinding init ay maaaring mangyari sa isang iglap at walang babala.
- Ang mas matatandang adulto, mga bata, at may sakit o mga indibidwal na sobra ang timbang ay mas mataas ang panganib sa matinding init.
- Pinapalala ng pagkaumido ang pakiramdam ng init na sinusukat gamit ang heat index.
KUNG IKAW AY NASA ILALIM NG ISANG MATINDING INIT NA BABALA:
- Maghanap ng air conditioning.
- Iwasan ang nakakapagod na mga gawain.
- Mag-ingat sa sakit sa init.
- Magsuot ng manipis na damit.
- Kumustahin ang mga miyembro ng pamilya ta kapitbahay.
- Uminomm ng maraming likido.
- Mag-ingat sa pulikat dahil sa init, panlalambot dahil sa sobrang init, at heat stroke.
- Huwag mag-iwan ng tao o alagang hayop sa saradong kotse.
PAANO MANATILING LIGTAS KAPAG NAGBABANTA ANG MATINDING INIT
Maghanda NGAYON
- Maghanap ng mga lugar sa iyong komunidad kung saan maaari kang magpalamig.
- Panatilihing malamig ang iyong bahay sa pamamagitan ng paggawa ng sumusunod:
- Takpan ang mga bintana ng kurtina o pantakip.
- I-weather-strip ang mga pinto at bintana.
- Gumamit ng mga reflector sa bintana, tulad ng kahon na nababalutan ng aluminum foil, para i-reflect ang init pabalik sa labas.
- Magdagdag ng insulasyon para sa labas lang lagi ang init.
- Gumamit ng mga bentilador sa attic para linisin ang mainit na hangin.
- Maglagay ng mga window air conditioner at maglagay ng insulasyon sa palibot ng mga ito.
- Pag-aralang makilala ang mga tanda ng sakit na nauugnay sa init.
Maging ligtas sa PANAHON
- Huwag iwanang mag-isa ang isang bata, adulto, o hayop sa loob ng sasakyan sa isang mainit na araw.
- Maghanap ng mga lugar na may air conditioning. Ang mga librarya, shopping mall, at mga sentro ng komunidad ay kayang magbigay ng magandang lugar para makaiwas sa init.
- Kung nasa labas ka, maghanap ng lilim. Magsuot ng sombrero na sapat ang lapad upang maprotektahan ang iyong mukha.
- Magsuot ng damit na maluwag, magaan, at mapusyaw ang kulay.
- Uminom ng maraming likido para manatiling sapat ang tubig sa katawan. Kung ikaw o isang tao na inaalagaan mo ay nasa espesyal na diet, magtanong sa doktor kung paano ito gawin.
- Huwag gumamit ng de-kuryenteng bentilador kapag ang temperatura sa labas ay higit sa 95 degrees, dahil maaaring pataasin nito ng panganib sa sakit na nauugnay sa init. Lumilikha ang bentilador ng pag-ikot ng hangin at pekeng kaginhawaan, pero huwag bawasan ang temperatura ng katawan.
- Iwasan ang mga gawain na malaki ang kinakailangang enerhiya.
- Tingnan ang iyong sarili, mga miyembro ng pamilya, at kapitbahay para sa mga tanda ng sakit na nauugnay sa init.
KILALANIN AT TUGUNAN
Alamin ang mga tanda ng sakit na nauugnay sa init at ang mga paraan upang tugunan ito:
- PULIKAT SA INIT
- Mga tanda: Pananakit ng kalamnan o pagkapasma ng tiyan, balikat o binti
- Mga Aksiyon: Pumunta sa mas malamig na lokasyon. Hubarin ang sobrang damit. Uminom ng malamig na sports drinks na may asin at asukal. Humingi ng medikal na tulong kung ang pulikat ay tumagal ng higit sa isang oras.
- PANLALAMBOT SA SOBRANG INIT
- Mga Tanda: Grabeng pagpapawis, pamumutla, pamumulikat ng kalamnan, pagkapagod, panghihina, pagkahilo, sakit ng ulo, pagduduwal o pagsusuka, o panglulupaypay
- Mga Aksiyon: Pumunta sa isang air-conditioned na lugar at humiga. Luwagan o hubarin ang damit. Maligo ng malamig na tubig. Uminom ng malamig na sports drinks na may asin at asukal. Humingi ng medikal na tulong kung lumala ang mga sintomas o tumagal ng higit sa isang oras.
- HEAT STROKE
- Mga Tanda: Sobrang taas na temperatura ng katawan (higit sa 103 degrees) na sinukat sa bibig; mapula, mahapdi, at tuyong balat na walang pawis; mabilis, malakas na pulso; pagkahilo; pagkalito; o kawalan ng malay
- Mga Aksiyon: Tumawag sa 911 o dalhin kaagad ang tao sa ospital. Magpalamig sa anumang makukuhang paraan hanggang sa dumating ang medikal na tulong.
Kaugnay na Nilalaman
- Information Sheet ng Matinding Init (PDF)
- Extreme Heat Safety Social Media Toolkit (link)
- National Weather Service Heat Safety Tips and Resources
- National Weather Service – Dangers of Heat
- National Weather Service – Safety During Heat Wave
- National Weather Service Summer Safety Weather Ready Nation Outreach Materials(link)
- Centers for Disease Control and Prevention (link)
- National Integrated Drought Information System (link)
- National Integrated Heat Health Information System (link)