• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar
  • Skip to footer
  • Tagalog
    • العربية (Arabic)
    • 简体中文 (Chinese)
    • English (English)
    • 한국어 (Korean)
    • Español (Spanish)
    • Tiếng Việt (Vietnamese)
Virginia Department of Emergency Management

Virginia Department of Emergency Management

An Agency of the Commonwealth of Virginia

  • Prepare
    • Disasters & Emergencies
      • Active Shooter
      • Kemikal
      • KAHANDAAN SA LINDOL
      • Matinding Init
      • Sunog
      • Floods
      • HazMat
      • Mga Banta sa Kalusugan
      • PAGHAHANDA SA HURRICANE
      • Kidlat + Mga Bagyo
      • Pagkawala ng Kuryente
      • Terorismo
      • PAGHAHANDA SA BUHAWI
      • Mga Tsunami
  • Tagalog
    • العربية (Arabic)
    • 简体中文 (Chinese)
    • English (English)
    • 한국어 (Korean)
    • Español (Spanish)
    • Tiếng Việt (Vietnamese)

Mga Indibidwal na may Kapansanan

You are here: Home / Mga Indibidwal na may Kapansanan

Maging May-alam

  • Alamin kung ano ang mga kalamidad ang maaaring makakaapekto sa iyong lugar at maaaring maging resulta sa pag-adya sa lugar.
  • Magkaroon ng NOAA radyo tungkol sa lagay ng panahon na nakatutok sa iyong lokal na istasyon na pang-emerhensiya at TV monitor at radyo. Sumubaybay sa mga mobile alerts at babala tungkol sa mga malalang panahon sa iyong lugar.
  • Mag-download ng FEMA na app at tumanggap ng mga alerto galing sa Pambansang Serbisyo sa Lagay ng Panahon hanggang sa limang iba’t-ibang lokasyon kahit saan sa United States.

Gumawa ng plano

Ano ang epekto ng isang kalamidad sa iyo kung saka-sakali? Mabubuhay ka ba hanggang tatlong araw? Pagkatapos ng isang kalamidad maaaring walang medikal na pasilidad o kahit parmasya ang maa-access. Lubhang importante para sa iyo ang magplano para sa iyong mga kinakailangan at kung ano ang gagawin kung sakaling maubusan o magiging limitado ang mga ito. Mga dagdag nga hakbang sa pagpapaplano na dapat isama:

  • Gumawa ng support network. Ilagay ang iyong kontak list sa isang watertight container sa iyong gamit pang emerhensya.
  • Maging handa na ipaliwanang sa mga unang rumisponde na kailangan mong lumikas at pinipili mong pumunta sa isang shelter kasama ang iyong pamilya, service animal, tagapag-alaga, personal na katulong, assistive technology, at mga gamit.
  • Magplano muna para sa mga maa-access na transportasyon na maaaring kakailanganin para sa pag-evacuate o sa pagpunta sa isang medikal na klinika. Kumuha ng impormasyon galling sa mga lokal na serbisyo, mga publikong transportasyon o paratransit o mga maaaring malalapitang pribadong transportasyon
  • Ipaalam sa mga taong sumusuporta sa’yo kung saan mo itinatago ang iyong mga gamit na pang-emerhensya. Maari din na ibigyan mo sa isang myembro ang susi ng iyong bahay o apartment
  • Kontakin ang iyong lungsod o ang opisina ng emerhensya management agency ng iyong local government unit Marami sa mga lokal na opisina ay mayroong listahan ng mga taong may kapansanan upang sila ay matutulungang agad kapag nagkaroon ng emerhensya.
  • Kapag umaasa ka sa dialysis o iba pang uri panggamot, alamin ang mga lokasyon at availability ng mahigit sa isang pasilidad.
  • Kung may ginagamit kang kagamitang pangmedikal sa iyong pamamahay na gumagamit ng kuryente, kausapin ang iyong doctor o tagapagbigay serbisyo ng iyong health care kung paano mo magagamit ang mga ito sa tuwing may kawalan ng kuryente.
  • Magsuot ng mga medical alert tags o pulseras.
  • Kung may kapansanan ka sa pagsasalita, siguraduhin na ang iyong impormasyon sa emerhensya ay nagbibigay ng tamang paraan kung papano mo sila makontak.
  • Kung gumagamit ka ng isang augmentative communications device o ibang pang klaseng assistive technologies, planuhin kung papano ka lilisan kasama ang mga ito o kung papano mo ito papalitan kapag nasira o nawala. Kunin ang mga numero ng modelo at alamin kung saan nanggaling ang kagamitan nanggaling (Medicaid, Medicare, Private Insurance, atbp.).
  • Planuhin kung papano ka makakakontak kapag ang iyong kagamitan ay hindi gumagana, kasama na ang mga may sulat na laminated cards, mga larawan o pictograms.
  • Magkaroon ng Braille/text communication cards, kapag nagamit na, para makausap ang ibang tao.
  • Kumuha ng mga tips  para sa diabetics.
  • Ang U.S. Department of Health and Human Services’ onlayn na tool ay tumutulong sa mga tao hanapit i-access ang kanilang electronic health records galing sa iba’t ibang pinagkukunan.
  • Magplano para sa mga batang may kapansanan at mga tao na maaring may kahirapan sa hindi pamilyar o magulong kapiligiran.

Kunin ang iyong mga benepisyo sa electronic na pamamaraan.

Maaaring umabot ng mga araw o linggo ang paggulo ng isang kalamidad sa serbisyo sa mail. Kapag nakadepende ka sa Social Securityo iba pang regular na benepisyo, simple lang ang paglipat sa electronic payments, imprtanteng paraan upang protektahan ang sariling pinansyal bago magsakuna. Maaari mong maiwasan ang panganib ng pagnanakaw na tseke. Ang U.S. Department of the Treasury ay nagrerekumenda ng dalawang mas ligtas na paraan kung papaano makakakuha ng benepisyong pederal.

  • Direct deposit sa checking o savings na account. Kapag kasalukuyan kang nakakatanggap ng benepisyong pederal, maaari kang mag-sign up sa pagtawag sa numerong ito 333-1795 o mag-sign up online.
  • Ang Direct Express® prepaid debit card ay dinisenyo bilang isang ligtas at madaling alternatibo sa mga tsekeng papel. Tumawag sa toll-free sa 877-212-9991 o mag-sign up online.

Gumawa ng isang para dito.

Sa karagdagan ng iyong mga pangunahing supplies ng iyong kaligtasan, ang gamit pang emerhensya ay dapat mayroong mga gamit na nasasang-ayon sa iyong indibidwal na pangangailan sa iba’t ibang uri ng emerhensya. Piliin ng maigi ang mga item na gagamitin mo sa pang-araw-araw at yung mga kinakailangan idagdag sa iyong kit.

Mga tip sa mga taong bingi o nahihirapan sa pandinig.

  • Isang weather radio (na mayroong sulat na naka-display at flashing alert)
  • Mga karagdagang baterya para sa hearing aids
  • A TTY
  • Panulat at papel (kapag kinakailangan mong makipag-usap sa isang taong hindi marunong mag-sign language)

Mga tip para sa mga taong bulag o nahihirapan sa paningin.

  • Markahan ang mga emerhensya supplies ng Braille o print na malalaki. Magkaroon ng listahan ng iyong emerhensya supplies at kung saan mo ito nabili sa isang portable flash drive o gumawa ng audio file na inilalagay sa  isang ligtas at madaling ma-access na lugar.
  • Magkaroon ng Braille o aparato na pangkomunikasyon para sa bingi at bulag bilang bahagi ng iyong gamit pang-emerhensiya.

Mga tip para sa mga taong may kapansanan sa pagsasalita.

  • Kung gumagamit ka ng isang augmentative communications device o ibang pang klaseng assistive technologies, planuhin kung papano ka lilisan kasama ang mga ito o kung papano mo ito papalitan kapag nasira o nawala. Kunin ang mga numero ng modelo at alamin kung saan nanggaling ang kagamitan nanggaling (Medicaid, Medicare, Private Insurance, etc.).
  • Planuhin kung papano ka makakakontak kapag ang iyong kagamitan ay hindi gumagana, kasama na ang mga may sulat na laminated cards, mga larawan o pictograms.

Mga tip para sa mga taong may kapansanan sa paglalakad.

  • Kapag gumagamit ka ng power wheelchair, siguraduhing magkakaroon ka ng lightweight manual chair bilang back up. Alamin ang laki and bigat ng iyong wheelchair kasali na dito kung collapsible ba ito o hindi kung sakali  kinakailangang ikarga.
  • Ipakita sa iba kung papaano ito i-operate.
  • Bumili ng extra na baterya para sa power wheelchair o iba pang medical or assistive technology devices na nangangailangan ng baterya. Kapag hindi ka makakabili ng extra na baterya, alamin kung anong ahensya, organisasyon o lokal na charitable groups na makakatulong sa iyo na makabili ng isa. Magkaroon ng extrang baterya sa isang trickle charger palagi.
  • Konsiderahing magkaroon ng isang patch kit o isang lata ng sealant para sa gulong at  dagdag na inner tube kapag ang wheelchair o scooter ay hindi puncture proof
  • Magkaroon ng extrang mobility device kagaya ng baston o walker kung gumagamit ka.
  • Kung gusto mo ng seat cushion upang protektahin ang iyong balat o panatilihin ang iyong balance at kinakailangan mong mag-evacuate na walang wheelchair, dalhin ang iyong sariling unan

Mga tip para sa mga indibidwal na nangangailangan ng Behavioral support.

  • Magplano para sa mga batang may kapansanan at mga taong may post-traumatic stress disorder (PTSD), na may kahirapan sa mga di pamilyar o magulong kapaligiran.

Ito ay binubuo ng:

  • Handheld electronic devices (mayroong mga pelikula and laro)
  • Mga extra na chargers
  • Mga sheets at twine o maliliit na pop up tent (para bawasan ang visual stimulation sa isang abala na kwarto o para magkaroon ng instant na privacy.
  • Headphones (para mabawasan ang mga abala sa pandingig)
  • Comfort snacks
  • Laruan (para mapunan ang pangangailang stimulation)

Mga karagdangan gamit

  • Para sa isang linggong suplay ng medisinang may preskriptsyon
  • Listahan ng lahat ng iyong medikasyon, dosage, at mga allergy
  • Extra eyeglasses
  • Mga karagdagang baterya para sa hearing aids
  • Extra wheelchair batteries  (o manual wheelchair kung posible)
  • Oxygen
  • Listahan ng style at serial number ng mga medical devices (kasali ang mga espesyal na direksyon para sa pag-opera ng mga gamit kung kinakailangan)
  • Mga kopya ng mga medical insurance at Medicare cards
  • Mga contact information para sa mga doctor, mga kamag-anak o kaibigan na kailangan makaalam kapag ito’y nasaktan.
  • Pagkain ng alagang hayop, extrang tubig, collar na mayroong ID tag, medikal records at iba pang supplies para sa iyong alagang hayop

Nauugnay na Nilalaman

  • Plano ng Komunikasyon sa Pang-emerhensya (PDF)
  • Maghanda para sa Mga emerhensiya Ngayon, Impormasyon para sa Mga Tao na May Kapansanan (PDF)
  • Plano ng Komunikasyon sa Pang-emerhensya ng Transit Commuter (PDF)
  • Naghahanda Kami Araw-araw (Video)
  • Maging May-alam (Video)
  • Gumawa Ng Plano (Video)
  • Gumawa ng isang Kit (Video)

Primary Sidebar

Ongoing Activation

The VEOC is currently activated in response to the COVID-19 Pandemic.

View Activation Details
  • العربية (Arabic)
  • 简体中文 (Chinese)
  • English (English)
  • 한국어 (Korean)
  • Español (Spanish)
  • Tiếng Việt (Vietnamese)
  • Tagalog

Footer

Contact VDEM regarding a Freedom of Information Act Request: FOIA Information
  • Facebook
  • Google+
  • Instagram
  • Twitter
  • YouTube

Copyright © 2021 Virginia Department of Emergency Management. Some items in the public domain. Return to top