Ang pinahabang pagkawala ng kuryente ay maaaring makaapekto sa buong pamayanan at ekonomiya. Ang pagkawala ng kuryente ay kapag ang inaasahang kuryente ay nawala nang biglaan. Ang pagkawala ng kuryente ay maaaring:
- Puputol sa mga komunikasyon, tubig, at transportasyon.
- Magpasara sa mga negosyong tingi, tindahan ng groseri, gasolinahan, ATM, bangko, at iba pang serbisyo.
- Maging sanhi ng pagkasira ng pagkain at kontaminasyon ng tubig.
- Pipigil sa sa paggamit ng mga aparatong pangmedikal.
PROTEKTAHAN ANG IYONG SARILI SA PANAHON NG PAGKAWALA NG KURYENTE:
- Panatilihing sarado ang mga freezer at refrigerator.
- Gumamit lamang ng mga generator sa labas at malayo sa mga bintana.
- Huwag gumamit ng lutuan na gas upang mapainit ang iyong tahanan.
- Idiskonekta ang mga kasangkapan at elektronika upang maiwasan ang pinsala mula sa mga de-kuryenteng pagbagsak.
- Magkaroon ng mga alternatibong plano para sa pagpapalamig ng mga gamot o paggamit ng mga aparatong medikal na umaasa sa kuryente.
- Kung ligtas, pumunta sa isang alternatibong lokasyon para sa init o paglamig.
- Suriin sa mga kapitbahay.
PAANO MAPANATILING LIGTAS SA BANTA NG PAGKAWALA NG KURYENTE:
Maghanda NGAYON
- Kumuha ng isang imbentaryo ng mga aytem na kailangan mo na umaasa sa kuryente.
- Makipag-usap sa iyong medikal na tagabigay ng serbisyo tungkol sa isang plano ng pagkawala ng kuryente para sa mga aparatong medikal na pinapagana ng koryente at pinalamig na gamot. Alamin kung gaano katagal maaaring maimbak ang gamot sa mas mataas na temperatura at makakuha ng tukoy na gabay para sa anumang mga gamot na kritikal para sa buhay.
- Magplano para sa mga baterya at iba pang mga alternatibo upang matugunan ang iyong mga pangangailangan kapag nawala ang kuryente.
- Mag-sign up para sa mga lokal na alerto at sistema ng babala. Subaybayan ang mga ulat ng panahon.
- I-install ang mga carbon monoxide detector na may backup ng baterya sa mga gitnang lokasyon sa bawat antas ng iyong tahanan.
- Alamin kung ang iyong telepono sa bahay ay gagana sa isang kuryente at kung gaano katagal ang backup ng baterya.
- Suriin ang mga suplay na magagamit kung sakaling magkaroon ng pagkawala ng kuryente. Magkaroon ng mga plashlayt na may labis na baterya para sa bawat miyembro ng sambahayan. Magkaroon ng sapat na pagkain at tubig.
- Gumamit ng isang termometro sa ref at priser upang malaman mo ang temperatura kapag naibalik ang kuryente. Itapon ang pagkain kung ang temperatura ay 40 degrees o mas mataas.
- Panatilihin ang mga mobile phone at iba pang mga de-koryenteng kagamitan na nakakarga at puno ng gas tank.
Makaligtas HABANG
- Panatilihing sarado ang mga freezer at refrigerator. Ang refrigerator ay magpapanatili ng malamig na pagkain sa loob ng halos apat na oras. Ang isang buong freezer ay mapapanatili ang temperatura sa halos mga 48 oras. Gumamit ng mga cooler na may yelo kung kinakailangan. Subaybayan ang mga temperatura gamit ang termometro.
- Panatilihin ang mga suplay ng pagkain na hindi nangangailangan ng pagpapalamig.
- Iwasan ang pagkalason sa carbon monoxide. Ang mga dyenerator, lutuan, o uling ihawan ay dapat palaging ginagamit sa labas at hindi bababa sa 20 talampakan ang layo mula sa mga bintana. Huwag gumamit ng lutuan na gas o oben upang painitin ang iyong tahanan.
- Suriin ang iyong mga kapitbahay. Ang mga nakakatanda at bata ay taglagang mahina sa matinding temperatura.
- Pumunta sa isang lokasyon ng komunidad na may kuryente kung ang init o lamig ay matindi.
- I-off o idiskonekta ang mga kagamitan, kagamitan, o elektronika. Ang kuryente ay maaaring bumalik nang panandaliang “mga pagsabog” o “mga spike” na maaaring magdulot ng pinsala.
Maging Ligtas PAGKATAPOS
- Kapag may pagdududa, itapon ito! Itapon ang anumang pagkain na nakalantad sa temperatura na 40 degree o mas mataas sa loob ng dalawang oras o higit pa, o mayroon itong isang hindi pangkaraniwang amoy, kulay, o tekstura.
- Kung ang kuryente ay wala sa isang araw, itapon ang anumang gamot na dapat palamigan, maliban kung ang label ng gamot ay nagsasabi kung hindi man. Kung ang isang buhay ay nakasalalay sa palamig na gamot, kumunsulta sa doktor o parmasyutiko at gumamit lamang ng gamot hanggang sa makukuha ang isang bagong suplay.
Nauugnay na Nilalaman